Una sa Balita

So dapat itumba ang Armenian GM

By
0 20

Kailangan ni former Philippine chess team member Grandmaster Wesley So na manalo kay Armenian GM Levon Aronian upang sumampa sa tuktok o masolo ang second spot ng 9th London Chess Classic 2017.

Makakaharap ni 24-year-old So si Aronian sa round six ngayong araw sa Olympia Confe­rence Centre sa London.   

Parehong may 2.5 points sina So na bitbit ang watawat ng Amerika at Aronian, nakasiksik sila sa seven-way tie sa second kasama si reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Mag-isa sa top spot si US GM Fabiano Caruana kapit ang 3.5 puntos kaya malaki pa rin ang tsansa ng tubong-Imus, Cavite na makahabol sa unahan.

May 10-player single round robin kaya may tatlo pang laban si So pagkatapos kay Aronian na ang asawa ay si Filipina-­Australian WIM Arianne Caoili.

Ang ibang 2.5 pointers ay sina Russian GM Ian Nepomniachtchi, GMs Hikaru Nakamura ng US, Michael Adams ng England at Maxime Vachier-Lagrave ng France.

Magkasalo naman sa ninth to 10th places hawak ang tig-dalawang puntos sina dating world Champion at nag-aral sa Pilipinas na si GM Viswanathan Anand at GM ­Sergey Karjakin ng Russia.