Una sa Balita

Dapat bang patulan ni Pacquiao si Crawford?

0 302

Galing na mismo kay Terence ‘Bud’ Crawford na gusto niyang makabugbugan­ sinuman kina Errol Spence­ Jr. at Manny Pacquiao ngayong taon.

Wala pang talo sa 36 upakan ang kasalukuyang WBO welterweight champion at ibinabandera nito ang 37 knockouts.

Pinakahuling biniktima ng 32-anyos na Ameri­can boxer si Egidijus Kavaliauskas nitong Disyembre 14 sa pamamagitan ng technical KO sa Madison Square Garden sa New York para tagumpay na maidepensa ang kanyang World Boxing Organization 147-pound belt.

“If I can’t get Spence, then I want Pacquiao or vice versa. It don’t matter. I would like them one after another,” dada ni Crawford.

Kabilang din si Crawford sa mga pangalang lumulutang na posibleng makatapat ng 41-anyos namang si Pacquiao sa 2020.

Ilan pa dito sina Danny Garcia, Spence at ang retired undefeated champion na si Floyd Mayweather Jr.

Pero kung si long time trainer at coach Freddie Roach ang masusunod, ayaw niyang ilaban ang alaga kay Crawford?

Bakit?

“It’s not an easy fight. It’s a tough fight, yes, but it’s one that we have to say yes to if that’s the only thing out there because we don’t wanna just be fighting nobodies and so forth to stay in the game. We still want to be the best,” sabi dati ni Roach patungkol sa posibilidad ng sapakang Pacquiao at Crawford.

Abangan natin kung ano ang magiging reaksiyon dito ng Pambansang Kamao.

***

Grabe ang abo (buhangin o putik) na ibinuga ng Bulkang Taal sa pagsabog nito kamakalawa.

Kami sa San Pedro, Laguna ay parang nasa disyerto dahil halos zero visibility na sa mga kalsada.

Ingat po tayong lahat at magdasal. Huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakaila­ngan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More