Una sa Balita

Dapat bang pagkatiwalaan pa ang taong nangaliwa?

By
0 781

Dear Dra Holmes:

I discovered my partner A was having an affair with Janine, a nurse. When I decided to leave him, A blurted out he loves, and cannot afford to lose, me. But A loves Janine more than me. He did everything Janine asked, including not having sex with me. He never said sorry, still treats me harshly, is very distant.. should I stay with him? Rebecca

Dear Rebecca

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinablish ng buo nu’ng nakaraang Miyerkoles, Enero 2. Sa huling kolum natin noong Enero 4, sinabi­ ko na hindi magtata­gumpay ang inyong relasyon (na binigyan mo ng isa pang pagkakataon kahit na nahuli mo siyang nangangaliwa at nagsisinungaling)­ kung pagtitiwalaan mo na si A.

Pero parang wala kang tiwala sa kaniya.Palagay ko, alam ko kung bakit: Nagbago siya nang una siyang nagka-affair. Naging harsh, distant, at mainitin ang ulo. Ngayon, ganyan pa rin ang trato niya sa iyo kahit nagsabi siya sa iyo na mahal na mahal ka niya at ‘di niya kayang iwanan mo siya. Pero kahit na nasabi niya itong lahat, hindi pa rin siya nag-sorry sa kataksilang nagawa sa iyo. Ano yun?

Dine-deadma ka lang ba niya? Hindi ba niya alam na sobrang foul talaga ang ginawa niya sa iyo? Pero hindi lang yun: Binigay mo ang iyong sarili, tinanggap niya ang iyong pag ibig at lahat ng tulong na nabigay mo rin sa kaniya, at pagkatapos ka niyang saktan, pina­tawad mo siya, pero parang bale wala ang mga pangyayari. Hindi siya nag-sorry at ‘di lang yun, pareho pa rin ang trato niya sa iyo: distant at harsh.

Ang taas-taas naman ng apog niya kung isip niya na magagawa niya ang ginawa niya sa iyo tapos ganun lang?

Ang ibig bang sabihin nito ay hindi siya talaga nag-sorry at isip niya ay wala kang ibang magagawa kundi tanggapin siya? Mahirap ipatuloy ang ganitong relasyon, Rebecca. Ok magpatawad sa isang lalaking nagkamali at nambabae; pero hindi ok ang magpatuloy sumama sa isang lalaking nagkikilos kagaya ni A. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook:

http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy