Una sa Balita

‘Dante’ paalis na

By
0 2

Napanatili ng bagyong ‘Dante’ ang lakas nito subalit nag-iba ng direksyon habang kumikilos palabas ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa huling monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mula sa dating direksyon na Hilaga-Kanluran ay naging Hilaga-Hilagang Silangan na ang tinatahak nito sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,395 kilometro ng Silangan ng Infanta, Quezon. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras.

Abante Hiring – IT dep

Ngayong umaga (Biyernes) ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang bagyo o nasa la­yong 1,520 kilometro ng Silangan ng Aparri, Cagayan.

Hindi na inaasahan ng PAGASA na makakaapekto sa ano mang bahagi ng bansa ang bagyong ‘Dante’.