Una sa Balita

Danny I nabinyagan ng Tigers

By
0 5
ANYARE? Parang nagulat pa si JJay Alejandro (7) ng NU nang bumalentong sa kanyang harapan si Marvin Lee ng UST. Nanalo ang Bulldogs 91-83 para iregalo ang unang panalo kay assistant coach Danny Ildefenso sa una niyang head coaching job. (Patrick Adalin)

Wala sa isip ni PBA two-time MVP Danny Ildefonso ang maging head coach, pero nabigyan siya ng pagkakataon kahapon sa 80th UAAP basketball tournament.

Napatawan ng one-game suspension si NU head coach Jamike Jarin, ini-atang nito ang obligasyon kay Ildefonso.

Inamin ng 40-year-old na tubong Urdaneta Pangasinan na si Ildefonso na wala siyang experience sa pagko-coach kaya laking tuwa niya nang maipanalo ang Bulldogs laban sa nagkukumahog na UST side 91-83 sa FilOil Flying V Centre.

“Nag-pray ako kay God, wala talaga akong experience sa pagko-coach, hanggang assistant at skills lang ako,” saad ng binansagang The Demolition Man ng PBA.

Sa laban ng NU at Ateneo, napatawan ng dalawang technical fouls si Jarin kaya awtomatikong suspendido siya sa susunod nilang laban.

“Right after ng game namin sa Ateneo eh sinabihan na agad ako ni coach na ako ang hahawak sa team laban sa UST.

Sinabi sa akin ni coach na ‘huwag mo akong isipin, ikaw ang bahala dyan kung papano mo papanalunin ang team.’”

Si Ildefonso ay dating pambato ng NU bago pumasok sa PBA noong 1998.

Tumikada sina Issa Gaye at Matt Salem ng tig-22 points upang bigyan pa ng buhay sa final four ang Bulldogs, nasa sixth sa 4-6.

Bokya pa sa panalo sa 10 salang ang Tigers.