Una sa Balita

Danny, Mikey, Shawn nakalinya kay Manny

0 406

DANNY Garcia, Mikey Garcia o Shawn Porter.

Ito ang mga posibleng sunod na makakaupakan ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao, ayon kay Manny Pacquiao (MP) Promotions Sean Gibbons.

“Danny Garcia, Mikey Garcia, there’s other guys out there to fight. Shawn Porter,” saad ni Gibbons sa pagbisita nito sa unang pagkakataon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila Martes.

Kagagaling lamang ng 40-anyos na si Pacquiao sa split decision victory para agawin ang 147-pound belt ni Keith Thurman nitong July 20 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Bago ang laban kay Thurman, kasama na sa listahan ng posibleng makaharap ni Pacquiao sina Danny at Mikey Garcia ngunit natalo ito kay reigning International Boxing Fede­ration (IBF) champion Errol Spence via unanimous decision. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy