Una sa Balita

Danita na-trauma sa ‘mura’ ni Direk Cathy

By
0 21

Balik-Viva si Danita­­ Paner dahil pumirm­a uli siya ng 5-year exclusive contract noong Huwebes sa Viva Artists Agency. Halos anim na buwan na nagpahinga sa showbiz si Danita pero bumalik siya dahil hinahanap ng katawan niya ang pag-arte.

spell hot DANITA #danita #danitapaner #atinadpaner #danitanation

A post shared by DANITA PANER (@danita_nation) on

Ipinagtapat ni Danita sa contract signing niya na biktim­a siya noon ng verbal abuse kaya nakaranas siya ng depression.

“Tala­gang feelin­g ko, katapusan na ng mundo ko. Ayokong lumabas ng bahay, teenage­r ako noon. Ang feeling ko, ipinagdadamot sa akin lahat. Mga ganoong moment.

“Ngayon ang dami-daming balita about depression, ‘yung mga nagsu-suicide na nakakatakot. Hindi mo akalain na ganoon pala ‘yung personality niya,” ang sabi ni Danita na may dalawang school batchmates na nagpakamatay, dalawang buwan na ang nakararaan.

“Nakakalungkot na may mga ganoong tao. Ako happy ako, kahit papaano na ang tibay ng loob ko sa pinagdaanan ko before.

“Dati sumasagi (sa isip na mag-suicide) pero siyempre, hindi ko naman gagawin kasi hindi ko talaga kaya,” ang kuwento ni Danita na pumasok noon sa isip na uminom ng sleeping pills at Baygon pero hindi niya itinuloy.

“Hindi naman. May itsura lang. Oo nga, wala nang natira sa akin. Oo nga. Ano ba ‘yan? Nga­nga,” ang natawa na reaksyon ni Danita sa komento na mabuti na lang, maganda siya, sa kabila ng pinagdaanan na depression.

Itinuwid ni Danita ang maling akala na ang kanyang nanay na si Daisy Romualdez ang in-charge sa showbiz career niya.

“Never ko siya na naging manager. Mukha lang. nakikialam lang talaga.

“Behaved na si Mommy ngayon, 28 na ako. Minamadali na nga niya ako na magka-baby. Sabi ko, teka nga, mahirap ‘yan.

“Tahimik na siya. Ngayon hindi na (siya nakikialam), surprisingly, sa wakas. Ganoon talaga mga mothers, hindi natin maaalis ‘yan. Feeling ko nga, kapag nagkaanak ako, ganoon na rin ako. Siguro, balance lang,” ani Donita na nagkaroon ng trauma sa kanyang mga karanasan noon kaya pinayuhan na humingi ng professional help.

“Ang ginagawa ko, meditation, ‘yung mga yoga-yoga para may konting kalma. Para bago mag-start sa taping, may meditation.

“Kailangan kong maging prepared this time. I guess, part talaga­ ng trabaho namin­. Patigasan na lang pero noong oras na ‘yon, ta­lagang…

“Ayo­ko lang nang ganoong environment kasi kung hindi ako makakatrabaho, para saan pa kung hindi rin matutuwa sa akin ang direktor.

“Umii­yak ako sa bahay na parang nakakahiya na naman kasi hindi ko na naman magagawa,” ang sabi ni Danita na nagkaroon ng trauma nang makatikim siya ng mura mula kay Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng La Luna Sangre.

Pinabulaanan ni Danita ang balita na sinugod ng nanay niya si Molina dahil sa insidente.
“Maganda naman ‘yung usap nila. Parang nag-apologize si Mommy, on my behalf na hindi ako makakabalik.

“Nu’ng time na ‘yon, natakot tala­ga ako. Nakaisang taping day ako. Natakot talaga ako, medyo magulo ang isip ko noon.Takot na takot ako, naalaala ko ‘yung nanay ko dati.

“Iba lang talaga ‘yung work ethics niya (Molina). Nanginig talaga ako, hindi ako nakakain pero I respect her. First time ko talaga, nakailang buckle ako. Sobrang takot, naninigas na ako.

“Hindi naman ako nagba-buckle. Anong nangyayari sa akin? Naninigas ako. Nu’ng nag-pack up, nagkaroon kami ng conversation,” ang pagbabalik-tanaw ni Danita.

Regine kabado sa duet kay Nate

Regine Velasquez at Nate

Ngayon ang u­nang gabi ng R3.0, ang 2-night concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Seasoned performer­ na si Regine pero may na­raramdaman siya na kaba at posibleng may kinalaman ang duet number ng kanyang anak na si Nate.

Apparently, mas kabado si Regine para kay Nate dahil first time na kakanta ito nang live sa major concert ng kanyang ina.

Malalaman din nga­yong gabi kung maipa­tutupad ang plano na ipagbawal sa audience ang paggamit ng camera­ cellphone dahil imbes­ na manood at makinig sa mga kakantahin ni Regine, aligaga sila sa pagkuha ng video, kahit mapapanood sa GMA 7 ang delayed telecast ng R3.0.