Una sa Balita

DANILO BARRIOS, SA BUKID NAKATIRA…

By
0 19

Ang mga dating kasamahan sa Streetboys at ang manager niya na si Chito Rono ang ilan sa mga bisita ni Danilo Barrios nang mag-celebrate siya ng 36th birthday noong Linggo, August 6, sa isang restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Isinabay sa birthday celebration ni Danilo ang grand opening ng unang branch sa Metro Manila ng Tatio Active DX, ang beauty and wellness center sa Scout Castor, Quezon City na pag-aari nila ng kanyang asawa na si Regina.

Tarlac-based ang Barrios couple at lumuluwas lamang sila sa Metro Manila kapag may mga dapat asikasuhin tungkol sa negosyo nila.

“Sa bukid sa Tarlac,” ang nakangiti na sagot ni Danilo sa tuwing tinatanong ito kung saan sila nakatira ng asawa niya at ng kanilang tatlong anak. Thirteen years-old ang panganay at isang taon ang edad ng bunso nina Danilo at Regina.

Si Regina ang nagkuwento sa amin na may mga natatanggap pa rin si Danilo na movie and television assignment offers pero ang mister niya ang tumatanggi dahil mas gusto nito ng simple at tahimik na buhay.

Nang makausap namin si Danilo, sinabi nito na para sa pamilya at negosyo na lamang ang panahon niya.

“Mostly, business at saka sa family na talaga ang energy na ibinubuhos namin na mag-asawa,” ang sabi ni Danilo na 2004 pa ang last movie na ginawa.

“Nakaka-miss talaga ang showbiz dahil naging malaking part na ‘yan ng buhay ko. Ngayon, mas priority ko ang family.

’Yun na talaga ang pinagkakaabalahan namin ng wife ko, tapos ‘yung business pa. So wala na talagang time.

“Online business kami, lagi kami sa harap ng computer. After two hours, tingin sa mga bata. Nagluluto ng pagkain para sa kanila. Nandoon lang kami sa house, may clinic din kami doon.

Masarap ang buhay namin dahil hawak namin ang time,” ang kuwento ni Danilo na hands on sa pag-aasikaso sa negosyo nila ng asawa niya dahil sila ang exclusive distributor sa Pilipinas ng Tatio Active DX, ang whitening supplement na popular product sa Japan.

Sina Kris Bernal at Ruru Madrid ang mga celebrity endorser ng beauty and wellness center nina Danilo at Regina kaya dumalo sila sa grand opening.

Faithful member si Ruru ng Iglesia Ni Cristo kaya  bumaba lamang siya ng sasakyan matapos magdasal ang inimbitahan na Catholic priest na nagbasbas sa bagong bukas na negosyo nina Danilo at Regina.