Una sa Balita

Daniella Mondragon ‘Reyna ng mga Meme’

0 541

Reyna ng mga meme ngayon ang tingin kay Dimples Romana. Biro nga ni Dimples, pagod na pagod na siya kalalakad, dahil kung saan-saan na siya nakarating, at kung sino-sino na rin daw ang nakasalubong niya, nakasama sa lansangan.

Pero siyempre, tuwang-tuwa si Dimples, na bilang Daniella Mondragon, palaging trending at kalat na kalat ang mukha niya sa social media. Aba, mahigit isang linggo na nga ang itinatagal ng pagrampa ni Daniella sa kung saan-saang lugar.

At sabi niya, naloloka siya sa malikhaing isip ng mga tao. Lahat daw ay nire-retweet niya, at nagiging dahilan para humalakhak siya.

“Wala akong mapili na favorite kasi sobrang nakakatawa talaga lahat. Ang da-ming sumasali, like sina Miss Zsa Zsa Padilla, pati si Ate Gay, at marami pang iba. Nakasama na rin ako sa Miss Universe.

“Pero ang nakakatuwa rin talaga, kasi pati ‘yung nasa kabilang network, meron silang entry. Ganu’n pala ang impact ni Danie-lla Mondragon,” chika ni Dimples.

Hindi ba siya nalulula sa kasikatan niya ngayon?

“Sabi nga nila sa akin ang tagal na raw nito, mahigit one week na. Umabot na all over the world. Pati sa buong Pilipinas kalat na.

“Wala namang dapat ikalula. Hindi ko naman inilalagay sa isip ko ‘yon, o sa ulo ko.

“Masaya lang ako na may isang bagay na napagkakatuwaan ng mga tao na alam mong ang galing kasi napu-promote nila ang local tourism. Ang layo na ng narating ni Daniella. Pati sa Middle East, Japan, Canada, disyerto, at kung saan-saan pa.

“Nakakatuwa lang na nagbibihis din sila ala-Danie-lla, nagsusuot sila ng kulay pula. Tapos lahat sila may maleta rin. Puwede na nga akong maging endorser ng maleta. Hahahaha!

“Sa totoo lang, gusto ko na ngang maging ambassadress ng turismo sa Pilipinas, kasi kung saan-saan na ako nakakara-ting. Hello Miss Berna (Romulo),” pabirong pana­wagan pa ni Dimples.

“Kahapon paglabas ko ng sinehan, akala ko premiere night, kasi ang daming tao. Hindi kasi ako sanay, eh… nagulat ako ang daming tao, na nagpapa-picture,” kuwento pa ni Dimples. (Dondon Sermino)

Sinita ng mister sa pagpapaseksi

Ingat na ingat din ito sa kanyang mga sinusuot na damit na hindi masyadong revealing dahil conservative ang kanyang asawa.

Nang punahin ng mister niya ang isang eksena, lahat daw ng text nito ay naka-all caps.

Nilinaw naman ni Dimples na siya ang may ayaw ng kissing scene dahil tatapat pa lang daw ang bibig niya sa mukha ng kaeksena niya ay natatawa na siya.

Kaya sa halip na magtagal ang eksena, dinadaya na lang ang halikan.

Sa damit lang medyo may restriction ang kanyang mister. Ayaw nga nito ng mga sexy clothes sa mga eksena.

“Ako na yata sa lahat ng kontrabida ang balot na balot!” sabi pa ni Dimples.

Kaya kahanga-hanga ang galing ni Dimples lalo’t binabawi niya sa acting ang kakulangan niya sa ibang mga eksena.

Samantala, mas titindi ang excitement at labanan nina Romina (Beauty Gonzales) at Daniela sa panibagong librong bubuksan sa kabanata ng “Kadenang Ginto” ngayong pumasok sa istorya ang karakter ni Leon, na gagampanan ni Richard Yap. (ReyP­umaloy)

Dimples nahiya sa halikan kina Joko, Adrian

Mahusay lang talagang artista si Dimples, kaya walang nakakahalata sa mga manonood ng top-rated Kapamilya teleserye na “Kadenang Ginto” na sobrang ilang na ilang siya sa mga intimate scenes niya kina Joko Diaz at Adrian Alandy.

Hired-neutralizer ang role ni Joko bilang si Hector na in love na in love kay Dimples bilang si Daniella Mondra-gon, kaya naman gagawin nito ang lahat mapagbigyan lang ang hiling niya.

Si Adrian naman ang gumaganap na asawa ni Dimples sa serye. Mara-ming beses na ngang nagkaroon ng mga intimate scene si Dimples kay Adrian, at inamin nga niya na halos himatayin siya sa nerbiyos at pagkailang.

Sa presscon ng “Kadenang Ginto” ay panay ang “Jusko Lord” ni Dimples sa usa-ping kissing scene, bed scene, dahil talaga namang hindi raw nito kayang gawin ang eksena kahit noong hindi pa siya nag-aasawa.
Umamin siyang dinadaya lang niya ang mga eksena niya sa dalawa niyang leading man, para masunod ang panga-ngailangan sa eksena.

Sinabi ni Dimples na baka mawasak ang kanyang pamilya kapag ginawa niya ang kissing scene o bed scenes, at posibleng wala na siyang mauuwian na bahay.

Biro pa niya, gusto raw niyang manatili sa “Kadenang Ginto”, pero gusto rin naman niyang magkaroon ng buo na pamilya. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy