Una sa Balita

‘Daniela the Explorer’ pumatok kaya bilang tourism advocate?

0 559

Nangingibabaw ngayon ang meme na “Daniela the Explorer”, (Dimples Romana), sa isang kaakit-akit na pulang damit na may hinihilang bagahe na bumibiyahe sa mga malalayong lugar ng Pilipinas, na kilala sa lokal at sa buong mundo.

Si Romana na may karakter na Daniela Mondra-gon sa hit drama na ‘Kadenang Ginto’ ay naging isang katatawanan sa social media sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw, kasama ang meme na inilagay sa hindi kanais-nais na lugar, katulad ng mga pribadong pagtitipon ng pamilya, pageant stages, at mga binabahang kalsada.

Pero ngayon ay isa nang tourism advocate ng gobyerno si Romana at kasama na sa isang programa ng Department of Tourism (DoT), na tutulong sa promosyon ng mga destinasyon ng turista sa buong bansa.

Una nang nakipagkita si Romana, kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat upang maisakatuparan ang naturang programa na makikita sa Facebook ng DoT. Magsisilbi itong volunteer advocate sa mga programa sa turismo. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy