Una sa Balita

Daniela, Romina kuwela ang ‘pagtataray’ kay Mayor Isko

0 523

Napuno ng tawanan at harutan ang guesting nina Beauty Gonzales at Dimples Romana bilang kanilang mga karakter sa “Kadenang Ginto”, sa “Gandang Gabi Vice”. Sila bilang sina Romina at Daniela Mondragon, at ang “iconic” pulang maleta!

Grabe nga kasi ang kasikatan ng mga meme tungkol kay Daniela at sa mga lugar kung saan-saan siya napapadpad. Even ang Dept. of Tourism ay napansin ito at nakatakda nga raw siyang gawing Tourism ambassador.

Napaisip si Vice Ganda na kunwari, silang dalawa nina Beauty at Dimples ang mga lider ng mga vendor kung saan pinapaalis nga sila dahil nililinis ni Manila Mayor Isko Moreno ang siyudad. Game namang umakting ang dalawa.

Si Beauty, literal na inilabas ang pagiging taklesa niya na Bisaya at tipong galit na galit kung bakit sila kailangang umalis sa lugar, na kesyo doon sila kumukuha ng ikabubuhay.

Pero si Dimples, nagmatapang. Linyahan nito: “What’s happening here?! What the hell do you think you’re doing?! Get out of our place! Everyone, ilagay ang mga tinda niyo sa maleta ko. Lahat ah! Lahat-lahat!”

Madami naman ang naaliw sa aktingan portion nila sa show ni Vice Ganda. (Jun L­opez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy