Una sa Balita

‘Daniela Mondragon’ ginamit ng DFA sa Libya OFW repatriation

0 295

Matapos kunin ng Department of Tourism (DOT), ang Department of Foreign Affairs (DFA) naman ang sumunod na kumuha sa serbisyo ni ‘Daniela Mondragon’, ang palabang karakter sa teleser­yeng “Kadenang Ginto” na ginagampanan ni Dimples Romana.

Nitong Biyernes nang gabi, pinost sa Facebook ni Charge d’ Affaires Elmer Cato ang sikat na meme ni Daniella na nakapulang kasuotan at traveling bag na tila sasakay sa van na inihanda ng Rapid Response Team ng Office of Migrant Affairs ng DFA.

Nilagyan pa ito ng caption ni Cato na nag-avail umano si Daniela Mondragon sa alok na repatriation ng gobyerno.

“We were all set to go to the airport when she suddenly showed up for repatriation this morning. Of course we had to take her in the same way we would any Filipino who would come to us for assistance,” ayon sa post ni Cato.

“Like the others we repatriated, we gave her a free economy class ticket home plus some pocket money and someone to welcome her and assist her upon arrival,” dagdag pa ng opisyal.

Ilang buwan nang ipinapatupad ng DFA ang repatriation ng mga OFW sa Libya dahil sa kaguluhan doon subalit naging matumal ang bilang ng gustong umuwi sa bansa.

Unang kinuha ng DOT ang serbisyo ni Romana upang ipromote ang turismo sa bansa matapos maging viral ang meme ni Daniela Mondragon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy