Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daniel walang kamatayan ang pag-ibig kay Kathryn

0 424

Nag-travel na noong 2019 sa Morocco ang mag-sweetheart na Kathryn Bernardo, Daniel Padilla noong taong 2019, bago pa pansamantalang magsara ang mundo dahil sa pandemic.

Eh, may biglang pa-Instagram post si Daniel na picture ni Kathryn na nasa disyerto ito at may nakalagay na location na Sahara Desert, Morocco.

Either miss na ni Daniel ang Morocco o mag-travel kasama si Kathryn o na-miss niya bigla ang girlfriend. Pwede rin naman, both.

Sinundan pa ito ni Daniel ng caption na hango sa kantang ‘Across the Universe’ ng The Beatles, kaya parang hinarana na rin niya ang girlfriend.

“Sounds of laughter shades of life are ringing. Through my open ears inciting and inviting me. Limitless undying love which shines around me like a million suns. It calls me on and on across the universe.”

Siyempre, dahil sa post na ito ni Daniel, ang dami niyang pinakilig na KathNiel fans. Tila sinabi na nga raw ni Daniel kay Kathryn na walang kamatayan ang pag-ibig niya sa aktres.

Pambansang Bae naghubad

Nagbunga talaga ang sipag ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang pagdyi-gym at disiplina sa sarili.

Kaya naman inuulan ng fire emojis at paghanga ang mga post ni Alden sa social media na madalas ay topless siya.

Meron na naman itong latest topless post na talagang mabibilang na kung ilan ang kanyang abs. Aba, perfect na ang pandesal ni Alden, huh!

Hayan tuloy, mas lalong ang daming nag-aabang ng unang GMA primetime series nila ni Bea Alonzo, ang “Start-Up.”

Hindi namin matandaan kung may eksena ba sa original/Korean version na nag-topless ang Korean actor na si Kim Seon Ho na siyang ia-adapt ni Alden bilang si Good Boy. Kung wala man, pwedeng-pwede itong idagdag ng production para naman masulit pa ang ganda ng katawan niya ngayon, ‘no!

Anyway, sabi nga ni Alden sa kanyang caption, worth it daw talaga to keep on trying. Gaya niya na hindi nga naman sumuko hanggang sa ma-achive na niya ang desired body niya.

“Sometimes, it takes a lot of courage believing in yourself. But it’s always worth it to keep trying. To keep on learning, and to keep going,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.