Una sa Balita

Daniel tsinugi si ‘Kathryn’ sa ‘ICSYV’

By
0 470

abante-paistaran-dondon-serminoPinakita ni Daniel Padilla na hindi porke’t may kinalaman kay Kathryn Bernardo ang isang bagay ay panalo na kaagad ito sa puso niya. Sa special anniversary episode ng ‘I Can See Your Voice’ noong weekend, niligwak niya ang secret songer na kalokalike ng kanyang girlfriend.

Sobrang husay ng panggagaya ni Carisa Viaje kay Kath dahil pati pananalita at timbre ng boses nito ay kuhang-kuha niya.

Kahit si Daniel nagulat at tinawag pa siya sa pet name niya para sa ka-love team na ‘Bal’.

Masayang-masaya naman si Daniel sa kanyang unang guesting sa ‘I Can See Your Voice’ na naganap pa sa unang anniversary episode ng programa na buong buwang ipagdiriwang ang kanilang first birthday.

Marami naman ang sumaya sa pa­nonood ng naturang episode dahil nagkamit ito ng national TV rating na 10.3% laban sa Kapuso Movie Night na nakakuha lang ng 7.6%, ayon sa datos ng Kantar Media noong Sabado (Sept. 15). Nagkamit din ng national TV rating na 11.5% ang Kapamilya show noong Linggo (Sept. 16).

Wish ng mga fan na sana ay makapag­laro rin si Kathryn sa ‘I Can See Your Voice’.