Una sa Balita

Daniel rumaket nang ‘di kasama si Kathryn

0 447

Nakita ko si Daniel Padilla sa Promenade Mall foodcourt area ng Greenhills, San Juan the other night. May mga naghahanap sa reel and real sweetheart niyang si Kathryn Bernardo.

Bale shoot lang ‘yon ni Daniel para sa isang endorsement daw.

Anyway, kamakailan ay nag-renew na ng kontrata sa ABS-CBN ang KathNiel.

In-announce na rin ang bago nilang primetime series na pagbibidahan, ang “Tanging Mahal”.

Bago pa inilabas ng Kapamilya network ang tungkol sa bagong show nila ay may nagtsika na sa akin noong Sunday na sina Kathryn at Daniel daw ang papalit kay Coco Martin.

So, ang “Tanging Mahal” nga ba ang ipapalit sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na lampas apat na taon na ring namamayagpag, kaya tatapusin na raw talaga?

Posible!

Naku, tiyak na happy na ang KathNiel fans dahil may bagong series na ang kanilang mga idolo at gagawa na rin ng bagong pelikula for Star Cinema, huh!

Ang bongga!

Boring ang buhay ko – Ina Raymundo

Kahapon ay kapalitan ko ng DM (direct message) si Ina Raymundo sa Instagram.

Nag-thank you kasi si Ina sa akin dahil isinulat ko siya sa Abante column ko last week.

Ang sweet nga ni Ina. Aba, iilang mga artista na lang ang katulad niya na marunong mag-thank you sa entertainment press kapag naisusulat, huh!

Nang tanungin ko siya kung ano pa puwede ko isulat tungkol sa kanya ay nagbiro siya na “boring” ang buhay niya.

Anyway, naikuwento niya na katatapos lang daw niyang i-shoot ‘yung series na pinagbibidahan ni Julia Barretto sa iWant.

“Fourth project ko with her,” sey ni Ina.

Bale ang third project nila together ni Julia ay ‘yung “Block Z” ng Star Cinema.

Sikat na beauty surgeon nakipagbati sa kaaway

Alam mo, Dondon, sa dami ng mga magkakapamilya na nagkakaproblema at nag-aaway-away, makakaramdam ka talaga ng happiness kapag nalaman mo na may mga nagkakabati.

Kilala sa showbiz si beauty surgeon dahil marami siyang mga parokyanong celebrity. Kilala rin ang niece niya na humahawak ng marketing ng kanyang beauty clinic.

Eh, nagkaroon ng gusot sa pagitan nila, kaya matagal na panahon din silang hindi nag-usap.

Actually, may mga “tarayan” silang dalawa at nadamay rin ang ibang mga kapamilya nila.

Ilang taon din tumagal ‘yon, pero bago mag-Christmas last year, nagkaayos silang dalawa. Ok na ok na sila at magkatrabaho na uli.

Sabi sa akin ni beauty surgeon, last Christmas nga raw ay kasama niya ang buong pamilya niya.

Sana ang Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine, pati ang buong pamilya nila ay magkaayos-ayos na rin, I’m sure, maraming maha-happy!

Right, Dondon?!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More