Una sa Balita

Daniel Quizon ‘bibingo’ na

0 212

ISANG hakbang na lang at kakahunin na ni Pinoy IM Daniel Quizon ang titulo sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championship Under-16 na ginaganap sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand.

Nilampaso ni Quizon, 15, si Eshwant Singh ng Malaysia sa eighth at penultimate round upang ilista ang 7.5 points at umalagwa sa tuktok ng standings.

May isang laro na lang sa ipinatupad na nine rounds Swiss System tournament, kailangan lang ni Quizon ng tabla sa huling laban upang maiuwi ang korona at makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Makakaharap ni Quizon sa ninth at last round si CM Cyrus Nisban ng Singapore na kinalos si CM Osaka Takuma ng Japan.

Magkasalo naman ang dalawang Pinoy woodpushers FM Alekhine Nouri at Michael Concio Jr. sa second spot matapos magtala ng tig-6.5 points. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy