Una sa Balita

Daniel niresbakan ng mga fan ni Alden

0 688

Dahil sa pahayag ni Daniel Padilla kay Kuya Boy Abunda, na sa kanya unang inalok ang papel na Ethan sa “Hello, Love, Goodbye” movie ni Kathryn Bernardo, biglang nabuhay ang apoy sa dibdib ng mga fan ni Alden Richards.

Feeling nila, hindi na dapat ginawa ni Daniel ‘yon, na ipinaalam pa sa publiko na siya dapat si Ethan, pero tinanggihan niya.

Kaya kahapon, magkakasunod na nag-trending sa Twitter ang mga hashtag na #Ethan at #AldenRichards.

Kasi nga, todo-todo ang reaksyon, pagtatanggol ng mga fan ni Alden.

Sabi ni @bulakenya02: “Kahit maging 100th choice pa si Alden Richards, no problem in the end he became the best option. Alden is what makes Ethan del Rosario. The part was his and he nailed it. Yung 1 to 99th choice, sorry. Too late. Stay bitter na lang.”

Hirit naman ni @sharon_mtpi: “He was given the role and he more than delivered, acting wise, and box-office wise. End of story. Yung mga sumasabat, hanggang sabat lang kayo.”

Mula naman kay @yammybite124: “Mr. Padilla, you can have all the titles, awards, recognition, roles and movie projects in the world, but the fact remains that you will always be less of a man compared to Alden Richards aka Ethan del Rosario.”

Sey ni @sisaisagani: “He is full of insecurities. Nakakaawang nakakatawa. Now lumalabas na ang katotohanan, jealous and insecure.”

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy