Una sa Balita

Daniel naglustay ng datung para kay Karolina

0 495

Lahat ay gagawin ni Daniel Matsu­naga para lang mapaligaya ang kanyang mahal na si Karolina Pisarek, kahit gumastos pa siya nang husto.

Isang bakasyon sa Boracay ang regalo ni Daniel sa kasintahang Polish model sa kaa­rawan nito. Mula sa Poland, lumipad pabalik ng Pilipinas ang modelo para makasama sa kanyang birthday si Daniel.

Nag-check in lang naman sa mamahalin o luxury hotel sa Bora, ang Shangrila Hotel, ang magkasintahan. Makikita sa larawan na nag-effort pa si Daniel na palag­yan ng mga balloon ang suite na kinuha niya para sa kanilang dalawa ng girlfriend niya.

Itinuturing na isa sa pinakamahal ang Shang­rila Resort Hotel sa buong Bora, na hindi bababa sa P30,000 ang per night accommodation nito.

Kung si Daniel pa ang gumastos ng airfare ng dalaga, nagtatapon talaga ang Brazilian-Ja­panese ng pera para lang kay Karolina.

Well, kahit hindi napagkikita sa mga acting project si Daniel, marami naman itong endorsement na siyang nagbibigay ng malaking deal sa kanya.

Julian, Ella lantaran na ang relasyon

Kung dati hanggang dancing partner lang at dancing moves lang ang masisilip sa Instagram nina Ella Cruz at Julian Trono bilang pareho silang mahusay magsayaw, nga­yon ay mga sweet photo na ang makikita, at ‘yon ay para ipagmalaki ang kanilang romantic relationship.

Pumalo sa mahigit 100,000 likes at 428 comments ang larawan nina Ella at Julian na magkadikit sa larawan. Nakahilig si Ella sa harap ni Julian na nakaupo sa hagdan sa gilid ng pool.

Matamis ang dating ng larawan na siyang nagpakilig sa kanilang mga fan. Sa simpleng caption ng larawan, mararamdamang ikinatuwa ni Ella ang pagsunod ni Julian sa kanyang birthday ce­lebration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy