Una sa Balita

Daniel nag-apply na alalay ni Kathryn sa Sharon-Goma movie

0 471

Totoo palang nagprisinta bilang PA (personal assistant) si Daniel Padilla para sa girlfriend na si Kathryn Bernardo sa gagawin nitong movie project kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

At dahil si tugang Direk Cathy Garcia-Molina rin ang hahawak nito, mabilis itong inaprubahan lalo pa at isa nga si Daniel sa mga paboritong ‘anak’ nito na nais din niyang maturuan ng mga technique sa likod ng camera.

Masayang balita ito para sa mga KathNiel na nalungkot nu’ng unang mabalitaan nila na after ng “The How’s of Us” ay magkakanya-kanya munang projects sina Daniel at Kathryn.

At dahil more than five years na rin pala silang mag-GF-BF, tiyak daw na kabisadong-kabisado na ni Daniel ang mga kakailanganin ng nobya at kung paano itong mamo-motivate as an ­actress na makikipagtagisan sa mga beteranong sina Sharon at Goma.

Magkano kaya ang susuwelduhin ni Daniel bilang Production Assistant? ­Hahaha!

Kylie, Aljur pakakasal sa birthday ni Robin

May nakapagbulong sa amin na inaasikaso na nga nina Aljur Abrenica at ­Kylie Padilla ang balak nilang pagpapa­kasal this November, kasabay ng pagdaos ng birthday ni Robin Padilla.

Ayon sa aming ka-Chismacker, may simbahan nang binibisita within Metro Manila ang mag-partner if ever man daw na hindi matutuloy ang napauna na nilang plano na sa out of town ito gawin.

Masayang nagsasama ang dalawa lalo pa’t tanggap na tanggap na ni Robin si Aljur bilang manugang at maasikasong ama ng kanyang apo.

After nga daw nilang magkaroon ng series of talks sa mga family events nila, nakumbinsi rin finally ni Aljur si Robin na serious siyang maging parte ng pamilya-Padilla at magbigay pa ng mga apo sa action star.

“To show their respect and love, sa birthday month ni Robin nila naisipang magpakasal. Maganda nga namang regalo ito para sa isang ama,” sey pa ng aming kausap.

Kuntento naman si Aljur sa takbo ng kanyang career sa bakuran ng ABS-CBN at sa nalalapit na pagtatapos ng “Asintado”, may kasunod na nga agad itong soap na pang-primetime naman.

May tsika pang nakatakda ring makasama sa isang Star Cinema movie ang mister ni Kylie.