Una sa Balita

Daniel muntik ‘matae’ sa interview sa Thailand

By
0 970

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang viral video ni Daniel Padilla kung saan sa isang interview sa kanila ni Kathryn Bernardo sa Thailand ay nakalimutan niyang nakabukas pa ang kanyang microphone kaya rinig na rinig nga ang kanyang sinasabi.

Dito ay sinasabihan niya kung puwede­ siyang mag-poopoo muna dahil ramdam na ramdam niya na gusto nang lumabas ng kanyang ‘sama ng loob’.

Sabi pa nga niya, ‘yung basang-basa ang klase ng poopoo na yun na sa mga nakaranas na nito ay mahirap pigilan ito at talagang masakit na sa tiyan habang pinipigilan.

‘Yun nga lang, ayaw siyang payagan ng kanyang partner hangga’t ‘di pa tapos ang kanilang interview.

Pero, sa ganang amin, aba, kung ganun ang pakiramdam ni Daniel ay dapat tumakbo na muna siya sa CR kaysa naman dun siya magkalat, devah? Mabuti nga lang at hindi ito nangyari.

For some funny ito, pero para sa amin, taong-tao ang dating ni Da­niel.

Tama ‘yung comment niya na, ‘Bakit, hindi tumatae ang mga artista? Ganon?’

‘Yung iba lang siguro ay may kaartehan sa katawan lalo na siguro ‘yung kumakain habang napapanood ‘yon, pero, care bear na. Eh, ganun nga talaga. Mahirap magpigil, noh!

Hindi lang naman ito ang pagkakataong dinatnan ng call of nature si DJ during an event. Naaalala ko, kahit noon sa grand presscon ng ‘La Luna Sangre’ ay humingi rin siya ng permiso kay Kath na kung puwede ay umihi muna siya dahil mukhang hirap na siyang i-contain ito.

Pero, pinigilan din siya ni Kath noon, na kung puwede after na niyang magsalita na ginawa naman ni Daniel.

‘Yung pag-ihi, kaya pa sigu­ro, pero, ‘yung poopoo na basa dahil siguro sa mantika ay mahirap harangin.

Pero, nagawa naman niya at naging isang malaking success ito para kay DJ. Charrr!

Sa mga namba-bash sa kanya, aba, magpaka­totoo nga kayo at magpakatao, noh!

Sige nga, kayo nga ang nasa sitwasyon niya, aber? ()