Una sa Balita

DANIEL, MAY MENSAHE SA BASHERS NG ‘MANLILIGAW’ NI KATHRYN!

By
0 13
Daniel at Kathryn
Daniel at Kathryn

Tagumpay ang idinaos na Yes! Most Beautiful Stars 2017. For some reason, ang daming nag-akala na si Liza Soberano ang Yes Most Beautiful Stars cover.

Pero maraming nagkamali ng akala, maybe because, may ilang write-ups din kaming nababasa na nagpi-predict na sa kanilang palagay, it’s Liza.

Posibleng inisip din ng ilan kasi na naging Yes! Most Beautiful na si Kathryn. Though, silang dalawa ‘yun ni Julia Montes noon. Nga­yon, hindi pa rin solo ni Kathryn dahil ang ka-loveteam naman niya na si Daniel Padilla ang kasama niya.

Dahil sa pagiging cover girl nga nila at napiling Yes! Most Beautiful Stars sa taong ito kaya tinatanong sina Daniel at Kathryn at kung napi-feel nila na sila sa ngayon ang top loveteam talaga.

Timing din dahil sa kanilang napakalaking primetime fantaserye na La Luna Sangre. Though both agreed na nagma-mature na nga silang dalawa, lalo na when it comes to their roles, hindi pa rin nasagot ng diretsahan kung may aabangang kissing scene na nga sa kanila sa La Luna.

Pareho ang sagot ng KathNiel na so far sa script, hindi pa sila nagtatagpo kaya hindi nila alam kung ano ang mangyayari. Pero tila open naman si Kathryn as long as kailangan daw talaga.

Sa isang banda, nakiusap naman sina KathNiel na huwag daw i-bash ang third party sa kanilang dalawa sa serye. 

Ayon kay Daniel, “I’m sure alam ni Tony (Labrusca) na mangyayari yun. Kailangan niyang tanggapin pero kailangan din tigil-tigilan ng mga fans. Tigilan niyo, it’s just a show.”

Pero it only means, effective raw si Tony sa role nito kaya affected ang tao. At sa totoo lang, gusto namin ‘yung may ganung direktang bilin o pakiusap si Daniel sa mga fans nila, lalo na sa mahilig mang-bash.

Hindi sila katulad ng ibang loveteams o artista na parang hinaha­yaan lang i-bash ang kapwa nila artista o co-workers ng mga fans nila.

Dun pa lang, pak na pak talaga ang pagiging “Most Beautiful” ng KathNiel, ‘no!