Una sa Balita

Daniel Matsunaga nakabangga ng rider

By
0 968

DAHIL sa lakas umano ng music sa loob ng sasakyan, hindi namalayan ng aktor na si Daniel Matsunaga na nakabangga na siya ng isang motorcycle rider sa Commonwealth Ave­nue, Quezon kahapon nang umaga.

Malubhang nasuga­tan umano ang hindi pinangalanang rider nang aksidenteng masagi ng sasakyan ng aktor ang kanyang motorsiklo sa eastbound lane ng Commonwealth Ave., QC bandang alas-6:00 nang umaga.

Ayon sa initial report­ ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), malakas­­ umano ang tugtog sa sasakyan ng aktor kaya’t hindi nito nakita na nabangga niya ang isang motorsiklo na nag-overtake na tumila­pon ang driver.

Sa halip na tumigil ay dumiretso sa pagmamaneho si Matsunaga kaya mabilis itong hinabol ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at hinarang.

Agad na binigyan ng first-aid ang nasaktang rider at isugod sa kalapit na ospital.

Ayon kay Matsunaga,­ minamaneho niya ang kotse at pauwi na siya at ang kanyang kapatid­ na nakilalang si Gilherme mula sa isang restaurant.

Mula Commonwealth westbound lane, kumanan aniya siya patungong Don Antonio­ Street, pero biglang sumulpot ang motorsiklo, dahilan para tamaan ang likurang bahagi nito at sumemplang ang driver. 

Si Daniel Matsunaga na isang Japanese Brazi­lian model, actor, professional footballer, host at businessman.
Nagdulot ng matin­ding traffic sa lugar ang insidente.