Una sa Balita

DANIEL, MALUPIT ANG V-DAY SURPRISE KAY KATHRYN!

By
0 6
Daniel at Kathryn

Sa Thanksgiving presscon para sa 25th year ­anniversary ng Star Magic, wala pang ­ibinulgar si Daniel Padilla tungkol sa kung ano ang ­magiging selebrasyon nila ni Kathryn ­Bernardo ngayong Valentine’s Day.

“Sa Valentine’s Day, may concert nu’n si Vice (Ganda), dadaan muna ako dun. Then, paplanuhin ko nang malupit ang pambawi ko kay Kathryn. It’s a secret, sorpresa muna.

“Hindi ko pa alam kung paano ko gagawin, ­basta, kakailanganing kakayanin ng schedule at pasok na pasok!” sabi ni Daniel.

“Pero, kailangang galingan ko. Kasi, para sa ­lahat ng mga babae, espesyal talaga ang Valentine’s Day para sa kanila!” dugtong pa ng binata.

Wala naman daw inaasahan si Kathryn kung ano ang pinaplano sa kanya ni DJ.

“Wala namang… Bahala na kung ano ang mangyari, basta…” sabi lang ni Kathryn na katabi lang si DJ sa panayam namin.

Ano raw ang kaibahan ng Araw ng Puso ngayon, kung ikukumpara sa mga nakaraang taon?

“Parang ang hirap ng taon na ‘yon. Siguro, dapat ay hihigitan mo lang ‘yong ginawa mo last year,” sagot ni Daniel.

Ano naman ang ireregalo ni Kath sa kanyang ka-love team?

“Wala pa, wala pa! Pero, kung ano ang mangyayari sa Valentine’s, ‘di ko pa alam,” say naman ng Kapamilya teen actress,

Masaya naman daw siya sa ­pagiging malambing ni DJ na kung saan ay ilang beses siyang dinampian ng halik sa kanyang buhok.

“Siyempre, nakakatuwa ‘yong ­hindi ka itinatago, na masyadong ­vocal. ­Malaking bagay ‘yon sa akin.”

Sabay hirit pa ni DJ na, “Hindi na nga ‘yan sanay na hindi ko siya inaalalayan, eh.”

Ano na ba talaga ang status ng kanilang relasyon ngayong 2017?

Giit ni DJ, “Alam niyo na ‘yun, ­obvious naman!”

Limang taon na rin daw silang magkasama kaya mas lalong ­tumataas ang pagmamahal niya sa kanyang ka-­partner.

Yun na!