Una sa Balita

Daniel love ang legs ko: Kathryn tanggap 100% na sakang

0 584

Dedma at idinaan sa biro ng kampo ni Kathryn Bernardo ang patutsada ng ibang kumakalaban sa kanya. Kahapon nga ay agad siyang nag-post sa kanyang Instagram ng photo na may kasamang malaking dog, at naglalaki ang mga mata, na parang naglalaro nga.

Well, inaasahan nga ang matinding reaksiyon ni Kathryn sa mga nanlait sa kanya, o sa pagiging sakang niya. Pero, hindi nga `yon ang nangyari, dahil buong ningning na nilaro na lang ni Kathryn ang lahat.

“Hindi na ako naba-bother sa legs ko. Hindi straight parang parenthesis. Wala eh parte siya ng pagkatao ko. Dati sobrang insecure ako. Si DJ (Daniel Padilla) ang nag-alis ng insecurity ko sa legs,” bungad na chika ni Kathryn sa kanyang vlog.

“Lahat tayo may imperfection, sa akin ito binigay ni God. Nagwo-workout naman ako. I love my legs pati si DJ, love nya legs ko,” sabi pa niya.

Well, sa bigat ng mga problemang hinaharap ng mundo ngayon, kagulat-gulat nga na may nagaganap na sabong o away sa social media sa pagitan fandom ng KathNiel at ibang kampo.

Biglang-bigla nga ay umingay sa at nanguna sa Philippine Twitter trending list ang mga pa-hashtag na #SakangSiKathryn, #ReportTheTrolls at #WeGotYourBackKathNiel.

Ayon sa mga fan, si Atty. Topacio umano ang pasimuno sa pag-iingay sa Twitter ng hashtag na #SakangSiKathryn.

Naglabasan pa ang maraming litrato ni Kathryn sa social media kung saan talagang inihahambing pa ang hitsura ng plais sa hugis ng pagkabuka ng legs ng aktres.

Kaya naman siyempre to the rescue ang mga fan ng KathNiel at talagang hindi nagpatalo sa mga pumupuna sa kanilang idolo.

“So? She’s still beautiful,” sagot naman ng mga fan.

Maging ang mga hindi raw fan ay nairita sa pina-trend na hashtag ng mga basher ng KathNiel. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More