Una sa Balita

Daniel, Liza pinamahak ni Robi Domingo

By
0 5,308

Mga fan nina Kathryn, Enrique galit na galit!

Sinagot ni Kathryn Bernardo ang tungkol sa isyung kinasangkutan ni Robi Domingo dahil sa inupload (at dinilete rin) na IG video nito nina Liza Soberano at Daniel Padilla.

Hindi nagustuhan ng mga fan ng parehong loveteam ng KathNiel at LizQuen ang ginawang ‘yun ni Robi. Feeling nila, parehong inilagay ni Robi sa alanganin ang dalawa at parang may gustong i-insinuate. Tuloy, talagang binash siya nang bongga.

Ayon kay Kathryn, “Wala sa aking problema ‘yun. Ang importante — hindi nga sa akin isyu ‘yun. Tumawag sa akin si Robi, nag-sorry siya, wala siyang intention. Kilala ko si Robi. Alam ko na wala ‘yun.

“Siguro mali lang ang pagkaka-interpret ng ibang tao. Ang importante naman, okey kaming dalawa. Hindi ko siya masyadong pinansin na isyu naman.”

Kung si Kathryn ay sinagot ito, si Daniel naman, umaapela na huwag na raw itong pag-usapan para hindi na humaba. Halatang ayaw na ni Tristan ng La Luna Sangre na mas mag-away-away pa ang mga fan.

Nagkaroon nga ng thanksgiving presscon ang isa sa successful primetime series ng ABS-CBN dahil down to their final two weeks na ang serye.

Parehong mami-miss nina Kathryn at Daniel ang mga co-star at mga staff at crew na kasama raw nila sa La Luna dahil iba raw talaga ang naging samahan nila sa set. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy