Una sa Balita

Daniel-Kathryn type nang bumuo ng pamilya

By
0 7

Panay ang sigawan, tilian, at maging hampasan ng fans last Friday (Dec. 8) dahil sa ginawang pag-amin ni Malia (Kathryn Bernardo) ng kanyang pag-ibig kay Tristan (Da­niel Padilla) sa La Luna Sangre.

Nagbunyi nang todo ang KathNiel supporters dahil sa wakas ay hindi na one-sided love ang namamagitan kina Malia at Tristan, at nilubos-lubos pa nila ang kanilang moment dahil umabot sa pagbuo ng pamilya ang kanilang usapan.

Wish nga ng ibang fans na sana true-to-life na lang ang eksena kasi todo-kilig talaga.

Abante Hiring – IT dep

Kaso, naputol agad ang kiligan dahil sa bagong pa­ngitain ni Jethro (Dino Imperial) na hindi pala si Sandrino (Richard Gutierrez) ang lalaking may sumpang tinta kundi si Tristan.

Mukhang ito na ang hudyat ng malaking bakbakan dahil nakuha na ni Malia ang kanyang kapangyarihan, at posibleng nahanap na niya ang itinakda niyang maging katunggali sa katauhan ni Tristan.

Ngayong nalaman na rin ni Tristan na magkapatid sila ni Sandrino, siguradong sunod-sunod na ang mga problemang haharapin niya kasama si Malia.

Marami na ang nasasabi na mapanood ang mga mangyayaring eksena ngayong linggo dahil sa patikim na teaser na may temang ‘Fight or Flight’ na tila nagbibigay ng pahiwatig kung lalabanan nina Malia at Tristan ang propesiya o tatakasan nila ito.

Anyway, puring-puri rin ang special effects ng pa­labas. Gaya na lamang ng transformation ni Malia sa pagiging lobo. Makatotohanan ang execution at mukhang ginastusan talaga!

Nakakatuwa na malayo na ang narating ng mga pa­labas pagdating sa ganitong aspekto. Ibinibigay ng ABS-CBN kung ano ang deserve na mapanood ng viewers!