Una sa Balita

Daniel, Kathryn super lamyerda, harutan sa Japan

0 635

abante-paistaran-dondon-serminoSa Japan sinalubong nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang Bagong Taon. At ilang araw pa lang ang nakalilipas, heto at bumalik na naman sila sa Japan, ha!

Sobra yatang nag-enjoy ang dalawa sa Japan, at second week pa lang ng January 2019, balik Japan agad sila.

Makikita nga sa Instagram stories ni Kathryn ang pagliliwaliw nila ni Daniel sa mga kalsada ng Japan na puro snow. Balot na balot ang katawan ng dalawa, dahil sa sobrang lamig, pero ramdam mong ini-enjoy talaga nila ang moment na magkasama sila sa pagliliwaliw sa maituturing na isa sa pinakapaborito nilang bansa.

Aliw na aliw na ipinakita ni Kathryn ang paglapit niya sa isang Haponesa na nag-aalok ng ‘pagkain’ o sa ‘free taste.’

“Sabi siguro nung babae, ano ba ‘yan, mga Pinoy talaga. Hahahahaha!” dahil nga halos lahat sila ay tumikim sa inaalok na free taste.

Ang pa-hashtag nga nila ay #KathNielLovesJapan, na ang feeling ko ay kinumisyon sila ng Japan para i-promote pa ang kanilang bansa na puntahan ng mga Pilipino.

“Post kami mga photos namin,” say pa ni Kathryn.

At nakakaaliw naman ang reaksiyon ni Daniel nung makita niya ang sarili sa cellphone ni Kathryn.

“Pogeee oh!” sabi niya, na sinang-ayunan siyempre ng lahat.

Well, love birds nga ang dating nina Daniel at Kathryn sa Japan. Winner nga at super kilig talaga ang mga fan nila.

Zia nagpakitang gilas sa aktingan, ‘di nagpakabog kay Marian

Super proud si Ma­rian Rivera sa baby niyang si Zia, na at the age of 3 ay maba­ngong-mabango na nga bilang endorser, ha!

Sobrang tuwa nga ni Marian na pinost niya sa kanyang Instagram ang mga photo nila ni Zia bilang mga bagong endorser ng gatas na Nido.

“Iba talaga kapag 3 years old na. So excited for Zia’s adventures with the milk that she loves…” sabi ni Ma­rian.

Anyway, base sa mga nakapanood na ng tvc, mukhang sa pagiging artista na rin talaga ang uwi ni Zia, ha! Super husay nga raw umarte ng bata, at dapat lang naman dahil parehong mahusay umarte ang mga magulang niya, sina Ma­rian at Dingdong Dantes. Hindi nga raw nagpakabog si Zia sa aktingan sa nanay niya, ha! Bet na bet nila ang emosyon na ibinigay ni Zia sa pag-uusap nila ng kanyang nanay.

So, ini-expect na nga nila na magsusunod-sunod ang mga endorsement ni Zia, at inaabangan na rin nila kung tuluyan na nila itong mapapanood sa pelikula, o sa teleserye kaya.

Pero sabi nga ni Ma­rian lagi, ‘wag muna ngayon, dahil ayaw niyang mapagod nang husto ang anak nila ni Dingdong. Ang paggawa nga raw ng commercial ay parang laro-laro lang kay Zia.

Ibang usapan na kapag nag-teleserye na ito, o pelikula, dahil aktingan na talaga ang kailangan doon. Hindi kaya ni Ma­rian na makitang inuutusan, o pinagagalitan ang kanyang baby, kapag hindi nito nakuha ang akting na nararapat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy