Una sa Balita

Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal

0 2,904

Isa sa mga hurado ng katatapos lang na Bb. Pilipinas 2019 beauty pageant ay ang Teen King na si Daniel Padilla.

At bongga dahil nabigyan nga ako ng pagkakataon na ma-interview siya, ha!

Siyempre, tinanong ko agad siya sa sweet anniversary message na ipinost ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo.

“Siyempre I was very touched, I was surprised na the whole time pala na magkasama kami, gumagawa siya ng isang mensahe para sa anniversary namin,” sagot ni D­aniel.

Dagdag pa ng aktor na natunaw nga raw nang sobra ang kanyang puso sa ginawang mensahe ni Kathryn.

Bukod pa riyan ay inusisa ko na rin siya sa plano nilang kasal ni Kathryn.

“Planning lang, pero not soon. Soon-soon!” agad namang sagot ng aktor.

So ano pa nga ba? Mukhang team abangers na lang muna talaga ang mga fan kung kailan magpo-propose si Daniel kay Kathryn.

Pero ang bongga na nga na at least ngayon pa lang ay nasa planning stage na ang kasal sa kanila, ha! Siguro ay napag-uusapan na nila, pero wala pa talagang definite na date at lugar. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy