Una sa Balita

Daniel-Kathryn ‘pinadapa’ nina Bianca-Miguel

By
Bianca Umali at Miguel Tanfelix
0 3,163

Iba ang powers ng BiGuel lalo na sa pagpapakilig, no wonder isa ito sa mga pinakakinakikiligang loveteams in town. Kaya naman hindi na nakakagulat ang balita na natalo nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas kilala bilang KathNiel.

Patuloy kasi ang pagtutok ng mga manunuod sa kanilang Primetime series na Kambal, Karibal na kakaiba at interesting ang story line.

Ngayon nga, maraming netizens ang halu-halo ang reaksyon dahil sa namumuong galit na nararamdaman ni Crisel (Pauline Mendoza) sa kakambal niyang si Crisan (Bianca Umali) sa pag-aakalang inaagaw nito si Diego (Miguel Tanfelix) sa kanya at ang isa pang plot twist ay nalaman na ni Manuel (Christopher de leon) na apo niya si Diego.