Una sa Balita

Daniel, Kathryn nakakabitin ang halikan

By
0 789

Iba rin talaga ang KathNiel, ha! Imagine, mula nung Sabado nang gabi na inilunsad ang trailer ng pelikula nilang The Hows Of Us, umabot na ito sa 3,334,468 views.

Winner, ‘di ba? Lumalabas na mahigit isang mil­yon a day ang nanonood sa trailer ng movie nila.

At bongga ang trailer, dahil dramang-drama ang mga eksena nila. Dito nga masusubukan ang husay nilang dalawa sa pag-arte.

Si Daniel ay walang duda na magaling talagang umarte. Noon pa man, kita na agad ang talento niya sa akting, mapa-drama man ‘yan, o action, o comedy pa rin.

Ngayon pa lang marami na ang nagsasabi na gigibain na naman ng movie nilang ito ang takilya. At siyempre, aabangan nila sa pelikula ang ibinitin sa trailer, at ‘yun ay ang halikan nilang dalawa.

Sa huling eksena ng trai­ler nga ay ipinakitang halos magdikit na ang mga labi nilang dalawa. Pero, ‘yun na nga, bitin at biglang end of trailer na.