Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daniel, Kathryn nagpa-‘family planning’ na

0 13

Aliw ang ‘The Boyfriend Tag Quiz’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN Star Cinema YouTube channel. Ang bongga na para silang mga bagong kasal, na binabalik-balikan ang mga eksena, alaala noong bago-bago pa lang silang magdyowa.

Unang tanong nga ni Kath ay pina-describe niya ang sarili niya kay Daniel.

“Mahal!” ang sagot ni Daniel.

Sa celebrity crush ni Kathryn ay alam na alam agad ni Daniel.

“Ryan Gosling. Why Ryan Gosling?” tanong ni Daniel kay Kath.

“Sobrang guwapo niya! Tamang-tama ang katawan niya,” sagot ni Kath.

Ano raw ang weird behavior ni Kath?

“Kapag nagsasalita ka, gumagalaw ang ulo mo,” sagot ni Daniel.

“Doon siguro ako kumukuha ng sasabihin at sa kamay ko,” sabi naman ni Kath.

Ano raw ang tatlong bagay na gusto ni Kath kay Daniel?

“Cooking. Taking care of you. Planning… Family planning. Hahahaha!” sagot ni Daniel.

Family planning talaga. Aba, kasal na ba sila? Kaaliw, di ba?

Anyway, ang cute rin noong tinanong ni Kath si Daniel kung ano ang ‘smell’ niya?

Inamoy muna kasi ni Daniel ang mukha ni Kathryn, sabay sagot na:

“May amoy na siya lang talaga. Parang amoy baby. Dati pa ganun na siya!” sabi ni Daniel.

“Ikaw amoy kahoy,” sabi naman ni Kathryn kay Daniel matapos itong amuyin din.

“Bakit amoy kahoy?” natatawang tanong ni Daniel.

“Mahirap siyang i-explain. Hindi siya perfume. Pero ang scent niya, ganun. Mabango `yon,” sabi ni Kath.

Anyway, ang song ni Daniel para kay Kathryn ay ‘Everything’.

Kakilig, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.