Una sa Balita

Daniel, Kathryn magkasama na sa Japan

0 551

abante-paistaran-dondon-sermino

Merry Christmas’ ang caption ni Daniel Padilla sa Instagram post niya ng photo ni Kathryn Bernardo, na nasa snow ang dalaga.

Well, hindi nga magkasama ang dalawa nu’ng Pasko, dahil ang pamilya Bernardo ay nasa Japan, samantalang nasa Pilipinas naman ang pamilya Padilla.

Pero ‘yun na nga, kahapon ng umaga ay agad din lumipad ang pamilya Padilla pa-Japan para makasama naman ang pamilya Bernardo. Sa Japan nga nila sasalubungin ang Bagong Taon, kaya bongga, ‘di ba?

Dire-diretso nga ang Pasko feel ng mga fan nina Kathryn at Daniel, dahil ang mga idolo nila, magkasama ulit sa isang mahalagang okasyon.

kikay_khulet “Very exciting adventure! Ang Bernardo/Ford family bonding sa Japan, can’t wait to watch every vidz ganap super excited po momshie @karlaestrada1121 best regards po sa inyo ingat and God bless.”

Maine na-miss ni Alden sa bakasyon

Rampa kete rampa si Alden Richards sa Kyoto, Japan. Base sa mga Instagram stories niya, makikitang ini-enjoy talaga niya ang bakasyon nila ng pamilya niya sa Japan.

‘Priceless’ ang sabi ni Alden sa close up photo ng lolo niya na pagkaganda-ganda ng view sa likod.

Pero, kaaliw lang talaga ang mga fan nila ni Maine Mendoza, na kahit anong kilos ng binata, hindi talaga mawawala na i-associate pa rin nila sa dalaga.

Tulad na lang nu’ng sinakyan ni Alden na mala-jetski sa snow, na kulay dilaw,
naisip talaga ng mga fan nila na nami-miss nito si Maine. Dilaw kasi ang paboritong kulay ni Maine, eh.

@tambetmontiero: “Color of the day ‘yellow’ favorite ni MA. Luv u and Maine always.”

@shugar_shugz: “represent mo lagi si mush.”

@mai_maipm: “Nagpa-picture ka lang talaga sa yellow.”

@elgindeguzman18271618: “May nami-miss yan kaya dilaw yung sinakyan niya. Alam na kung sino ‘yon.”

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy