Una sa Balita

Daniel, Kathryn imbitado sa malaking event sa Thailand

By
0 2,014

Inaabangan na ng mga taga-Thailand sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Yes, hindi lang mga Filipino na naka-base sa Thailand ang nasasabik silang makita kundi ang mga residente, lokal at may dugong Thai mismo.

Dahil pinalalabas nga ang teleserye ng KathNiel sa Thailand, kaya hindi kataka-taka na nakabuo ng sangkatutak na tagahanga roon.

At dahil doon, imbitado silang dalawa sa isang bonggang event doon.

“Maraming salamat sa mga fans namin diyan sa Thailand! Dahil sa inyo makakapunta kami diyan at makakasama pa sa mega showcase ng JKN. Kitakits! #JKNlovesKATHNIEL #JKNDiamondBlueMegaShowcase,” tweet ni Daniel.

Siyempre, sangkatutak na komento agad ang hinamig ng tweet na ‘yon ni Daniel.

@queenel67985463 “Wow! Congrats to both of you Mr and Mrs Ford. More blessings. Stay strong together forever! #JKNlovesKATHNIEL #JKNDiamondBlueMegaShowcase #KathrynBernardo #DanielPadilla.”

Kasalukuyang nasa Amsterdam sina Daniel at Kathryn para sa shooting ng The Hows of Us movie nila. ()