Una sa Balita

Daniel, Kathryn ibebenta sa France

0 335

abante-paistaran-dondon-serminoIrarampa ng ABS-CBN ang highest-grossing Philippine film to date with gross earnings of P810 million, ang “The Hows of Us,” sa international content market, MIPCOM, sa Cannes, France.

Wala na ngang ka­kabog kina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, ha! Pang-international na nga ang kalidad nila.

Ang MIPCOM ay ang annual trade event in France, where content producers, buyers, financiers, and distributors in the fields of entertainment and advertising, from all over the world, can connect, make deals, and learn future trends in the industry.

 

Sanya pag-aagawan nina Dingdong, Dennis

Kaloka ang mga fan ni Sanya Lopez, grabe kung ipagtanggol nila ang kanilang idolo, ha! To the point na halos pagbantaan na nila ang buhay ng mga manunulat na sa tingin nila ay nagsulat ng pangit kay Sanya.

Well, hindi na nga ma-reach si Sanya, dahil siya na nga ang pag-aagawan ng mga prem­yadong mga aktor na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Sila nga ang makakasama ni Sanya sa upcoming Primetime series ng GMA na Cain At Abel. Kung paano magaganap ang agawan na ito, ‘yan ang dapat tutukan ng mga manonood.

Astig si Mama Bear sa ‘Amazing Earth’

Ipakikita ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ngayong gabi ang kahihinatnan ng isang bull elephant na mapupunta sa group of hippopotamus. Binisita rin nila ang mountains of Arizona na kung saan ang mga tiger salamander infants turn into Hannibal the Cannibal – feeding on their siblings when food supply becomes scarce.

Bongga rin ang “Astig si Mama Bear” sa Alaska dahil ipakikita nila ang lakas ng mga kababaihan laban sa mga ferocious adult male bears.

At siyempre, makikipagkuwentuhan si Dingdong sa Gaia Exploration Club’s Mamerto ‘Mertz’ Certifico Jr., a cave explorer and a licensed environmental planner.

Directed by Rico Gutierrez, ang “Amazing Earth” ay napapanood tuwing Sunday after “24 Oras Weekend.”

 

Rhian gagawa ng emoji sandwiches sa ‘I-Bilib’

Jackpot sina Chris Tiu, wacky duo James &b Rodfill ng Moymoy Pala­boy, dahil ang napakagandang si Rhian Ramos lang naman ang kasama nila ngayon, at pati na si Denise Barbacena.

Ano nga ba ang mangyayari kapag ang marshmallows sa jar ay tinanggalan mo ng hangin? At puwede ba talagang gamitin ang tali na made of toilet paper para pigilan ang isang tao?

How thick does an object have to be for the strongest magnet in the world to lose its power of attraction? Learn about it in the neodymium magnet and paper clip experiment!

At sa Huling Hirit, ipakikita ni Rhian kung paano gumawa ng emoji sandwiches.

Tutukan lahat ‘yan sa I-Bilib!