Una sa Balita

Daniel-Kathryn ‘Favorite Foreign TV Actor/Actress’ sa Vietnam

By
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
0 5,024

Nagkaroon na nga ng kasagutan ang matagal na ring tanong ng bayan tungkol sa katauhan ni Jacintha, matapos pormal na mamaalam ang karakter na ginagampanan ni Angel Locsin sa hit primetime serye na La Luna Sangre noong Jan. 10.

Hindi siya si Lia tulad ng naunang haka-haka. Tingin ng fans ay siya si Malia sa hinaharap. ­Bago nga kasi maglaho si Jacintha ay ipinakita na humulma ang mukha niya sa mukha ni ­Malia (Kathryn Bernardo).

Kaya naman pala nakaramdam din ng sakit sa ginawa niyang pagsaksak ng pangil ng lobo kay Tristan (Daniel ­Padilla).

Bukod naman sa tunay na katauhan ni Jacintha, nag-trending din sa Twitter ang nangyaring pag-uusap nina Malia at ng lola ni Tristan na nagpaiyak sa mga manonood.

Agaw-eksena rin ang ginawang paghagulgol ni Apple (Maymay Entrata) sa pagkawala ng kanyang kuya. In fairness talaga sa cast ng serye na ito, walang tapon talaga. Mapa-bida man o supporting, may kakayahang umarte!

Ngayong wala na si Tristan, pangarap na nga lang ba ang pangakong pagmamahalan nila ni ­Malia? Ano pa kaya ang magaganap lalo pa at buhay pa pala si Sandrino (Richard Gutierrez)?

Anyway, congratulations kina Daniel at Kathryn na pinarangalan sa Vietnam, sa Blue Star Award. Maki­kita nga sa Star Magic Instagram account ang pagbati sa kanilang dalawa. Wagi nga sila ng Favorite Foreign TV Actress/Actor at Face of the Year Award.