Una sa Balita

Daniel at Karolina mega-harutan sa Instagram 

By
0 5

Masaya si Daniel Matsunaga sa bago niyang karelasyon na si Karolina Pisarek.

Si Karolina ay isang 20-year-old model from ­Poland.

Natuto na raw si Daniel sa past relationships niya kina Heart Evangelista at Erich Gonzales na masyadong publiko kung kaya mas maraming intriga ang naglalabasan.

Super-exposed na rin daw ang kanyang private life kaya this time, gusto niya namang i-try ang ibang strategy sa pakikipagrelasyon.

Hindi naman daw totally ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Karolina, pero ang fear niya ay makumpara ito sa dalawang celebrity girlfriends niya na para sa kanya ay unfair naman.

Pero makikita rin naman sa Instagram ang ­harutan nilang dalawa, ang mga komento ni Karolina sa pino-post ni Daniel, lalo na kapag halos hubad na ang binata, o naka-costume ito.

Definitely, hindi raw fallback si Karolina katulad sa karakter sa pelikulang Fallback ng Cineko Productions at Star Cinema.

Matagal na silang wala ni Erich saka niya nakilala ang model na ito.

Alam naman daw ni Karolina na siya ay artista bago naging sila dahil una silang nagkakilala noong gumawa rito ang kanyang dyowa ng isang advertising campaign.

Very new pa nga ang kanilang relasyon, kaya wala pa rin ­siyang masyadong mai-share, at ayaw na rin talaga niyang magkuwento pa.

Anyway, happy naman siya dahil okey na rin sila ni Heart Evangelista, pero sila ni Erich, ‘yun ang dapat sigurong ayusin din ni Daniel for old time’s sake.

‘Yun, o!