Una sa Balita

Daniel, James type hubaran ni Direk Joel

0 315

abante-paistaran-dondon-serminoPalaging ‘kaaliw’ kausap si Direk Joel Lamangan. Walang pala­bok. Walang pasikot-sikot.

Sinasabi kung ano ang dapat sabihin. Pero, marunong ding maglaro sa chikahan.

Sa presscon ng “Because I Love You” na bida sina David Licauco at Shai­ra Diaz, inusisa nga namin siya kung wala na ba siyang planong gumawa ng bold movie?

Bago kasi namatay si Direk Maryo J. delos Reyes, naikuwento niya na type niyang ibalik ang sexy-drama genre, at si Myrtle Sarroza sana ang balak niyang ga­wing bida.

Pero, hindi na nga ‘yon natuloy. At si Direk Joel ba ay walang planong ituloy ang ganu’n?

“Nagdirek na ako ng ganyan, pero parang hindi na uso. Gagawa ka ng ganu’n, pero kikita ba? Uso pa ba? Maganda nga sana. Pero, sexy movie lang, huwag naman bold,” sambit ni Direk Joel.

At kung gagawa siya, sino sa mga artistang lalaki ngayon ang gusto niyang pagdramahin habang nakahubad?

“Si Daniel Padilla gusto ko. At saka si James Reid!” sagot niya.

“Pero, hindi naman bold. Daring lang dapat,” giit niya.

Naku, parang bet mo silang dalawa, ha! “Ang harot mo talaga Direk,” biro namin kay Direk Joel.

“Tatanong-tanong ka, tapos ganyan! Hahahahaha!” pabirong sagot din niya.

Pero bakit sila?

“May nakikita ako sa kanila. Kung ano ang nakikita sa kanila ng fans, ‘yun din ang nakikita ko.

“Si James Reid, puwedeng-puwedeng maging very serious actor. Si Daniel ganu’n din. Magagaling sila sa drama, at may appeal sila na dapat ipakita sa movie,” sabi ni Direk Joel.

David, Shaira naiyak sa lupit ni Lamangan?

Anyway, sa chika pa rin ni Direk Joel, medyo tumagal daw ang paggawa nila ng movie na “Because I Love You.”

“Pinaganda kasi talaga.”

Ano ang masasabi niya sa mga baguhang artista niya?

“Si David Licauco guwapo talaga. Si Shaira Diaz, ang husay umarte. Ako ang nag-workshop sa kanya nu’ng nasa TV5 pa siya.

“Mahusay talaga silang dalawa. Si David, may makikita kang something sa kanya.

“Si David ang sexy ng dating. May mga hubad scene siya sa movie. Ang ganda ng katawan niya.”

Hindi ka ba nahirapan paartehin ang dalawa? Hindi ka ba nahirapang ilabas ang chemistry nila?

“Hindi naman mahirap. Sexy kasi silang dalawa. Mahusay kasi itong mga bata.

“At saka ibinigay lahat ni Arnold (Vegafria, producer) ang kailangan sa movie. First time kong mag-shooting sa City of Dreams. Si Arnold lang ang nakagawa nu’n, ha!

“May budget si Arnold, ha! Mayaman kasi ang character nu’ng lalaki. ‘Yung babae, bomber, fire fighter. Hahahaha!

“Tapos katrabaho ko rin ang mga taga-Garahe Films. Kaya maganda talaga.”

Pero, siya ba ang klase ng producer na kahit sino ay ididirek niya?

“Namimili rin naman ako ng ididirek. Pero kung sa tingin ko parang hindi naman promising, sasabihin ko rin naman sa producer na hindi promising.

“Pero itong movie na ito, pati mga bida, maganda. Friend ko rin kasi si Arnold.

“Kung sa ibang producer, ‘pag binigyan ako ng project na hindi maganda sa tingin ko, gagawin ko pa rin, pero depende sa pres­yo. Hahahahaha!” natatawang saad niya.

Paano kung hindi talaga nakakaarte ang artista? ‘Yung tipong nauubos na ang pa­sensiya mo?

“Kung sa tingin ko hindi nakakaarte ang artista, sinasabi ko naman sa producer ‘yon. Pero minsan ang producer sasabihin, ‘di ba problema mo na ‘yon? Hahahahahaha! Binabalik lang sa akin ang problema.

“Pero pipigain ko pa rin talaga ang artista. Mahigpit ako sa ganyan. Hindi ako ‘yung pababayaan ko na lang sila. Nagagalit sila sa akin habang nagsyusyuting kami. Pero after that, maiintindihan na nila ako, pasasalamatan na nila ako.”

Sina David at Shaira ba nakatikim ng lupit ni Direk?

“Oo naman! Pero hindi naman lupit. Guidance lang. Hahahahaha!”

Ilang beses sila umiyak sa lupit mo, este sa guidance mo?

“Magagaling naman sila. Si David naman nakakasunod din. Si Shaira nga kasi ako ang nag-workshop sa kanya noon kaya sanay na ako sa kanya.

“Si David, bukod sa guwapo siya, okey ang akting niya. Ang mahirap kasi, hindi ka na marunong umarte, pangit ka pa. Wala tayong magagawa. Pa­ngit na nga, hindi pa marunong umarte, aba. Pero kung pangit ka, tapos maga­ling kang umarte, puwede pa ‘yon,” say na lang ni Direk Joel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy