Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daniel inudyukang pakasalan na si Kathryn

0 464

Mistula ngang nag-propose na si Daniel Padilla, kung ang latest Instagram post niya ang pagbabasehan. Kakaibang photo kasi `yon na puno ng pagmamahal talaga.

Photo na hinahagkan niya ang mukha, ilong ng dyowa niyang si Kathryn Bernardo, na noong mga oras na `yon ay super kilig na kilig, at todo ngiti sa ginagawa sa kanya ni Daniel.

“Stand by Me,” ang simpleng caption ni Daniel.

Stand by me, na kung hihimayin mo, ‘walang iwanan’ ang dating, o habangbuhay na pagsasama, ang iba pang puwedeng ipagkahulugan.

Sayang nga lang at walang singsing na makikita sa photo na `yon na suot ni Kathryn, dahil kung nagkataon, iisipin mo nga na inalok na siya ng kasal ni Daniel.

At siyempre, bongga rin ang reaksiyon ni Kathryn, na isang emoji na puno ng puso, at super ngiti.

Sa IG wall pa rin ni Daniel ay makikita mong namutiktik talaga sa pulang puso, ha! Lahat nga ng mga nagsipagkomento ay pinusuan ang photo nila, kasabay ang mga pulang puso.

At siyempre, iisa rin ang sigaw ng mga fan nila, at `yon ay ang magpakasal na sila.

Pareho-pareho nga ng mensahe sina Dimples, Dimaukom, Gelli, at marami pang iba, na ‘pakasal na’ sila.

Pero, bongga talaga ang KathNiel, dahil sa loob lang ng limang oras, mahigit kalahating milyon na ang nag-like, at kulang-kulang sa 40,000 na ang nagbigay ng mensahe nila.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.