Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daniel ginamit sa kampanya ni BBM : ‘Peke yan!’ – Karla

0 753

Agad-agad na pumalag ang kampo ni Daniel Padilla, sa pangunguna ng nanay niyang si Karla Estrada, sa pinakalat na TikTok entry, na kung saan ay pinalalabas na sinusuportahan niya si Bongbong Marcos bilang kandidato sa pagka-presidente sa eleksiyon sa 2022.

Naloka nga si Karla na ginamit din ang mga linya ni Daniel sa pakikipaglaban nito para sa prangkisa ng ABS-CBN sa TikTok entry na `yon ng supporter ni Bongbong.

“Fake news! Edited!” ang sigaw ni Karla.

Heto nga ang mga linya ni Daniel na originally nga ay para sa prangkisa ng Dos:

“Buksan natin ang mga mata natin para sa katotohnan. Mas mainam pa ang maging bulag, kesa sa nagbubulag-bulagan.

“Daniel Padilla po. Tao. Pilipino!”

Sinundan pa `yon ng mga hashtag na #DanielPadillaforBBM2022, #NeverAgainDilawan, #PinkIsTheNewYellow.

Kaloka, di ba? Gamit na gamit ang TikTok, at iba pang social media platform sa pagpapalaganap ng mga pekeng kuwento.

By the way, naka-off ang comment section ng TikTok entry na `yon, kaya hindi makapagbigay ng mensahe ang mga netizen.

Kaloka! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.