Una sa Balita

Daniel Fernando naghain ng COC sa Bulacan

By
0 749

NAGHAIN na kahapon ng certificate of candidacy (COC) si Vice Gov. Daniel Fernando na kakandidatong gobernador sa Bulacan habang runningmate niya si Gov. Wilhelmino Sy Alvarado sa ilalim ng partidong NUP sa Comelec sa Malolos City, Bulacan.

Naging makulay naman ang paghahain ng COC ng kauna-unahang kandidato sa Nueva Ecija sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas kamakalawa sa bayan ng Talavera.

Tinugtugan ng banda ng musiko ang mayoralty bet na negosyanteng si Alfredo DG ‘Jojo’ Libunao, Jr., sa pagtungo sa Comelec kasama ang lineup na sasabak sa halalan sa bayang sakop ng 1st District sa Nueva Ecija.

Abante Hiring – IT dep

Sa Trece Martires City, Cavite ay naghain din ng COC si Gemma Lubigan, maybahay ng napaslang na si Vice Mayor Alex Lubigan na tatakbong mayor sa 2019 elections.