Una sa Balita

Daniel as best actor sa FAMAS tinaasan ng kilay

By
0 10,297

Si Daniel Padilla ang Best Actor sa 65th FAMAS Awards para sa pelikulang Barcelona, A Love Untold. Panga­lawang best actor award na niya ito para sa nasabing movie kung saan siya rin ang itinanghal na pinakamagaling na lalaking actor sa nakaraang Star Awards for Movies sa parehong pelikula.

Well, congrats sa kaniya dahil pinatutunayan lang niya na isa nga siyang Padilla ng showbiz kung saan nasa dugo talaga nila ang galing sa pag-arte.

Siyempre, hindi pa rin maiaalis ang mga nagdududa sa panalo niyang ‘yun, pero, ganu’n talaga, e. Siya ang ibinoto ng judges o jurors, wala tayong magaggawa kundi tanggapin ito, devah?

Baka may nakita nga silang kakaibang estilo sa pag-arte ni Daniel na para sa kanila ay deserving for an award.

Anyway, ang Barcelona ang nanguna sa FAMAS sa paramihan ng awards, kung saan pati ang Best Picture ay kanilang nakopo.