Una sa Balita

DANIEL, AYAW MUNA SA BABAE!

By
0 4

Sa presscon ng I Can Do That ng ABS-CBN, si Daniel Matsunaga nga ang tila inabangan ng media sa mga I CANdidates. Kasama rin sa presscon na ‘yon sina Cristine Reyes, Arci Muñoz, Sue Ramirez, Pokwang, JC Santos, Gab Valenciano, at Wacky Kiray.

Super-abang nga ang media sa sasa­bihin pa ni Daniel tungkol sa hiwalayan nila ni Erich Gonzales.

Pero, dahil host nga ng I Can Do That si Robi Domingo, kasama si Alex ­Gonzaga, kaya pasok din siya sa ­­tinutukan ng media. Super-abang din sa sasabihin niya tungkol naman sa ­hiwalayan nila ni Gretchen Ho.

Naitanong nga kay Robi ang ‘move on’ thing…

“I have to… I have to… ­Siyempre, with all the things that happened, ­kailangan kong mag-move forward, kasi, there’s no room for… There’s no room for…

“There’s no time to be sad muna. I mean, I had a fare share of my sadness. Until now, honestly I’m hurting. Pero, kailangan mong mag-focus, kasi you’ve got lots on your plate,” sey ni Robi, na ramdam mo ngang wasak pa rin ang puso niya hanggang ngayon, kahit pangiti-ngiti siya.

At si Daniel naman, inusisa sa kung alin ba ang mas mahirap, ang mga challenge sa I Can Do That, o ang pinagdadaanan niya, sa hiwalay nga nila ni Erich.

“Siyempre mahirap lahat ng pinagdadaanan ko, ‘di ba? Siyempre, I love the person. And it’s just so sad. In the end, it was like a misunderstanding. People really got really affected. Even families were affected and everything.

“Mahirap din ‘yung show, but at this time kailangan mag-focus muna ako dito, sa career muna, sa trabaho muna, and family,” tsika naman ni Daniel, na deadma nga raw muna siya sa mga babae, lalo na at sariwa pa ang nangyari sa kanila ni Erich.

Robi Domingo

Anyway, hanggang saan ang ­kayang gawin at ipakita ng walong I ­CANdidates? Kada linggo, iba-iba ang makaka-partner nila sa pag-perform ng isang extraordinary act na kailanman ay hindi pa nila nagagawa.

Magtatanghal sa harap ng I ­CANdidates ang iba’t ibang grupo ng professional performers ng acts na ­maaaring nakakamangha, nakakatawa, at makapigil-hininga at siguradong susubok sa kanilang imahinasyon at tapang.

Kung sa tingin ng I CANdidates ay kaya nila itong gawin, bababa sila sa hagdan patungo sa performers. Ang unang makarating sa ikaapat o huling step ang magpe-perform ng naturang unique act at pipili ng makakaparehang I CANdidate na sa tingin nila ay ang makakapagpanalo sa kanilang performance.

Didiretso naman sa isang linggong paghahanda ang I CANdidates bago nila i-perform ang kani-kanilang unique act. Ang pares na makakakuha ng pinakamataas na pinaghalong score mula sa scores na ibibigay ng bawat I CANdidate at extra points na ibibigay sa mananalo ng audience vote ang tatanghaling weekly winner.

Naging puspusan na nga ang ­rehearsals ng I CANdidates at may nagkaiyakan na dala ng sakit ng katawan at hirap na naabot nila rito. Sa katunayan, halos mabukulan si Daniel dahil natamaan siya ng props na gamit niya sa kanyang act.

Ang “I Can Do That” ay nilikha ng Armoza ­Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version nito kung saan ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

Abangan ang pagbubukas ng “I Can Do That” sa Marso 11 sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like lang ang www.facebook.com/ICanDoThatPH o sundan lang ang @ICanDoThatPH sa Twitter o Instagram.