Una sa Balita

Daniel, Angelica wagi sa FAMAS

By
0 2,203

Tapos na nga ang panahon na kapag sinabing FAMAS Awards, nagkakagulo ang showbiz. Ang FAMAS ang pinaka-inaabangang awards night noon, dahil dito mo nga makikita ang lahat ng mga sikat na artista na nagsasama-sama.

Ang trophy ng FAMAS ang inaasam-asam ng halos lahat ng artista noon na masungkit. Pero, sa paglipas ng panahon, sa pagdami ng award giving bodies, sa halo-halong kontrobersiya sa pagbibigay ng awards, tila nawalan na nga ng interes ang mga manonood sa awards night.

Anyway, tahimik ngang idinaos ang 65th FAMAS Awards 2017 last Dec. 28, sa Phil. Social Science Center Auditorium, Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City.

Abante Hiring – IT dep

Wala nga kaming napanood na TV coverage, o kahit live streaming man lang ng the oldest award-giving body in the movie industry.

Anyway, narito ang mga nagsipagwagi sa FAMAS:

Best Picture – Barcelona: A Love Untold

Best Actor – Daniel Padilla, Barcelona: A Love Untold

Best Actress – Angelica Panganiban, The Unmarried Wife

Best Director – Olivia Lamasan, Barcelona: A Love Untold

Best Supporting Actress – Liza Diño-Seguerra, Ringgo

Best Supporting Actor – Ricky Davao, Iadya Mo Kami.