Una sa Balita

Daniel, Alden nagkita pero ‘di nag-usap sa HK

By
0 477

May ten shooting days na lang daw na natitira para sa shooting ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Umuwi sa bansa si Alden noong Martes para sa tatlong araw na iba’t ibang ganap sa opening ng kanyang pag-aaring branch ng McDonald’s sa Biñan Highway, Laguna.
Ngayong araw nga na ito ang grand opening na inaasa­hang baka umabot ng 10,000 ang mga taong darating.

Sa Linggo, babalik na siya muli ng HK para sa pagpapatuloy ng shooting nila.

Sabi nga ni Alden, “Sobrang gaan. Nilu-look forward ko araw-araw ang shooting at pagsasama namin kasi, ‘yung treatment na binibigay sa amin ng Star Cinema, kakaiba. Parang hindi nila ‘ko trinato nang iba, na taga-ibang network.”

Nagkita rin daw sila ng boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla nang sorpresahin nito ang GF sa Hong Kong. Pero hi and hello lang daw sila dahil nag-pull out na rin daw sila noon for shooting.

Puring-puri naman ni Alden ang leading lady niya.

“Sobrang daling paki­samahan. ‘Yun lang ang masasabi ko, walang halong PR or anything. ‘Yung experience ko po sa kanya, sobrang gaan katrabaho, ‘yung passion niya sa ginagawa niya, sobrang into siya sa project, kaya mas nakaka-inspire.”

Ang director naman daw nila na si Direk Cathy Garcia-Molina ay sobrang meticulous sa trabaho pero magaan katrabaho.

“‘Yung after po the movie, kaibigan mo pa rin siya.”

“Excited din po akong mapanood na ng lahat dahil tungkol din po ito sa mga makabagong OFW especially in Hong Kong. Tribute po natin ito sa mga kababayan sa Hong Kong, movie nila ito,” ani pa ni Alden.

Sharon inggit sa pagpapaseksi ni Frankie

Naging kapansin-pansin nga ang malaking ipinayat na ng Megastar na si Sharon Cuneta sa ginanap na mediacon ng kauna-unahan niyang horror film, ang “Kuwaresma” ng Rea­lity Films.
Mag-asawa sila rito ni John Arcilla under Direk Erik Matti at ipalalabas na sa May 8.

Dalawa ang na-achieve ni Sharon ngayong taon – ang finally, makagawa na ng horror film at ang maisuot na raw ang mga damit na gusto niyang isuot.

“I’m not joking, nalilimot kong kumain or o-order ako, natatawa ang yaya ko. ‘Yaya, I’m busog na’. Pagdating niya, ‘Maam, hindi niyo ginalaw, inusog-usog niyo lang.’”

Sinakyan naman ni Sharon ang tanong kung gusto niya bang sabayan ang pagsu-swimsuit ng anak na si Frankie Pangilinan.

“Actually, naiinis ako, inunahan nila ‘ko,” natawa niyang sabi.

Wala raw siyang isyu kung nagpu-post man ang mga ito na naka-swimsuit. Sabi nga niya, “Ang mga anak ko, okay lang ‘yun, mga millennials na mga ‘yan. Wala naman akong problema.

“Si Kace, minsan, kapag feeling ko nasosobrahan ako sa sexy poses niya, naiinis ako, kasi naunahan ako! Hindi joke lang… kapag sobra na, ayoko naman,” ani Shawie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy