Una sa Balita

Danding exit na bilang backer ng La Salle cage program

0 363

BABABA na si dating Amb. Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. sa kanyang role bilang team manager ng La Salle Green Archers at main backer ng DLSU basketball programa sa UAAP.

‘Di pa tiyak kung sino ang papalit kay Cojuangco, pero umuugong na mangangasiwa para sa programa sina managers Terry Capistrano at Raffy Villavicienco.

Umaalingangaw naman sina San Miguel Corp. president at COO Ramon S. Ang at Enrique Razon Jr. ng International Container Terminal Services, Inc. para okupahin ang chief patron role na iiwan ng 84-year-old businessman-sportsman.

Lilisan mang hoops main backer, itutuloy pa rin ni Conjuangco ang pangangasiwa sa dormitoryo ng koponan sa Taft Ave., Malate, Manila.

Inaasahan na nga lang na mararamdaman ang epekto sa mga international exposure ng Green Archers sa liga.

“This will probably mean that we won’t be having a lot of overseas camps and tournaments next year,” bulalas ng isang impormante sa ilang sports portal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy