Una sa Balita

Dancing Partners dehado na delikado

0 234

MAGTATAGISAN ng bilis ang anim na kabayo sa Condition Race Category 16 na gaganapin sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Posibleng pagtuunan ng pansin ng mga liyamadista sina Lockdown, Indian Warrior at Harapin Mo sa event na may layong 1,200 metro.

Ayon sa ibang karerista, balikatan pa rin ang pagbabakan sa Race 1 dahil may galing din ang makakalaban ng tatlong nasabing kabayo.

“Dehadista ako kaya kay Dancing Partners ako lalagay,” hayag ni Elmer Valdez, veteran karerista.

Bukod sa nasabing mga kabayo, ang ibang ­kalahok sa event na suportado ng Philippine ­Racing Commission (PHILRACOM) ay sina Rise Up at Gutsy Girl.
Para kay jockey RM Ubaldo, mahirap din sa kanila ang laban dahil alam nitong maganda ang mga ensayo ng kanilang makakalaban.

“Basta gagawin ko lang lahat para manalo si Lockdown at mapasaya ko ‘yung mga sumusuporta sa amin,” hayag ni Ubaldo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More