Una sa Balita

‘Dancing Butiki’ sa ‘Amazing Earth’

By
0 119

Muling isasama ni Dingdong Dantes ang mga Kapuso viewer sa isang kapana-panabik na paglalakbay sa infotainment show ng GMA na ‘Amazing Earth’ ngayong Linggo (Agosto 5).

Saksihan ang makapigil-hiningang kagandahan ng disyerto ng Nevada kung saan naglalaban ang dalawang Wild Mustangs upang ma-secure ang kanilang mga karapatan at teritoryo.

Maaliw naman kasama ang shovel-snouted lizard sa kanyang kakaibang kilos sa ‘Dancing Butiki’ at alamin din ang tungkol sa golden mole, isang bulag na nocturnal rodent at may liit na parang ping pong ball sa ‘Ano ang Nasa Dako Pa Roon.’

Mamangha sa natatanging Sand Dunes ng Paoay sa Ilocos Norte na puno ng mga aktibidad para sa mga thrill-seekers at adventurers. Alamin kung paano napananatili ng mga Ilocano ang kagandahan ng lugar kasabay ng pagtuklas tungkol sa Philippine warty pig o baboy damo.

I-explore ang kagandahan ng mundo kasama si Dingdong Dantes sa ‘Amazing Earth’ ngayong Linggo (Agosto 5) pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sunday Grande.