Una sa Balita

Dancer tumuwad, bumukaka sa Chinese nursery; principal sinibak

0 613

NAGULANTANG ang mga magulang sa isang nur­sery sa China matapos na pakitaan sila ng mahahalay na sayaw ng isang pole dancer habang kasama ang kanilang anak sa eskuwelahan.

Sa ulat ng Southern Metropolis Daily, nabatid na naimbitahan ang mga magulang at kanilang anak sa opening ceremony ng Xinshahui Kindergarten sa Shenzhen noong Setyembre 3.

Ilang performer umano ang nagsayaw sa entablado upang pasayahin ang audience pero laking gulat nila nang pumasok na ang pole dancer na suot pantaas subalit naka-boyleg, isang uri ng panty.

Naging eksena tuloy sa beerhouse ang entablado ng eskuwelahan dahil sa mahahalay na pagliliyad, pagtuwad at pag-split ng dancer, sa harap ng mga bata at kanilang magulang.

Nakunan ng video ang sayaw ng pole dancer at naging viral sa popular na microblog Sina Weibo.
“This type of dancing is not suitable for a kindergarten,” komento ng isang user.

“Nursery children should learn knowledge, but not too much knowledge,” dagdag naman ng isa pa.
Nainis tuloy ang ilang magulang at ayaw nang pag-aralin doon ang kanilang anak.

Sa ulat naman ng CCTV, official broadcaster ng China, sinibak na ang headmaster ng eskuwela­han at nagsagawa na ng kaukulang imbestigasyon sa insidente.