Una sa Balita

Dance master

0 189

Tiyak na sa opening ceremonies at gabi ng ­parangal ng Cinemalaya 2019 siya ang ­choreographer. ­Sigurado ring sa gaganaping mga gala na ­ipapalabas sa CCP ngayong selebrasyon ng golden year nito. Ang ­aking palanggang si Novy Bereber ay ­maaaring ­maging ­choreographer ng ilan sa mga piling ­pagtatangal.

Naging dating resident choreographer ng ­Ballet Philippines at isa sa pinamakalakas nilang ­danseur, bumalik si Bereber sa Pilipinas nating mahal ­hindi ­lamang para sa mga kaganapan sa CCP kundi para tulungan ang mga kapwa niya Pilipino na may ­Parkinson’s disease (PD) na maibalik ang kanilang kumpiyansa at kahulugan ng kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Kuwento ni Bereber: “Sa totoo lang, I really didn’t know what Parkinson’s was. I just saw on the bulletin board of the opera house the Dance Teacher Workshop for Parkinson ’s disease. The only thing that came into my mind then was dance, and I wanted to do it.”

Ang sumunod na nangyari: “I attended the two-week workshop (with Dance for Parkinson’s in Australia) and then little by little it changed my ­perception on life, and how I appreciate simple things.”

Si Bereber ang unang ­Filipino na dalubguro sa Dance for PD sa ­Australia.

Nag-undergo pa siya ng further training kay David Leventhal sa New York.

Kuwento ni Bereber: “Ayaw nila na yung students nila, they feel that they are in therapy. Participants in the class are encouraged to approach movement like dancers rather than patients.

Ang kanyang bottom line: “Guso ko talaga, mag-spread ng awareness ­tungkol sa PD.”

Pagtatapos ni Dance Master Novy Bereber: “Some people were not even aware they have Parkinson’s . Gusto ko ring ipaalam sa lahat na nakipag-partner na ako sa mga PD support group at sa nalalapit na panahon, we will open the first Bereber Sayaw for Parkinson’s.”

Ang kanyang pahabol na lambing: “If I can tap hospitals or medical companies to help me with this, that would be amazing. Baby steps muna.

What I’m doing now is to look for ballet companies or dance studios to partner with me. I’m in the process of figuring out whether to put up the Sayaw for Parkinson’s or a foundation so we can sustain and continue the program. We want to find and teach some teachers. But right now, my mission is to spread awareness first.”

Sa September 21 may libreng klase ang Bereber Sayaw for Parkinson’s sa Enrique Studio (4987 Enrique Street Palana, Makati – next to Mercury Drug Store at corner Enrique Street and Zobel Roxas.

***

Para sa karagdagan detalye, maaring kontakin – 0967 387 3910.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy