Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dana White pumusta kay Khabib

0 68

Kumpiyansa si UFC boss Dana White na muling tutuntong sa octagon ang nagretirong si Khabib Nurmagomedov.

Sa ulat ng TMZ, pumusta si White na aaksyong muli sa liga si Khabib.

“If I had to make a bet — and I’m a betting man — I would bet he does [return],” aniya.

“So, yeah … I think he will.”

Magugunitang inanunsyo ni Russian MMA fighter ang kanyang pagretiro nitong Oktubre 24 matapos makipag-upakan at matalo si Justin Gaethje para kunin ang 29-0 record.

Ang pagyao ng ama nito ang kanyang rason para tumigil na sa laban, na aniya’y laging nakaalalay sa kanya noon at nagsilbi pa niyang coach.

Sa kabila ng pagtalikod sa kanyang karera ay naniniwala si White na babalik ito at muling mananalo dahil pangarap umano ng tatay ni Khabib na masungkit niya ang 30-0 record. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.